Search thousands of free JavaScript snippets that you can quickly copy and paste into your web pages. Get free JavaScript tutorials, references, code, menus, calendars, popup windows, games, and much more.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Renowned Water Expert Reynold Aquino Offers Exclusive Water Softener Discounts
Los Angeles, California - November 21, 2024 - World-renowned water expert Reynold Aquino is excited to announce exclusive discounts on prem...
-
code.gs // 1. Enter sheet name where data is to be written below var SHEET_NAME = "Sheet1" ; // 2. Run > setup // // 3....
11 comments:
kultura na tinawag nilang renascimiento. Bukod dita, mayroon ding ibang salik na naging dahilan Buny bakit sa Italya isinilang ang Renaissance. Kung pagbabatayan ang heograpiya, ito ay matatagpuan a pagitan ng Asya at Kanlurang Europa. Noong mga panahong iyon, ang Asya ang itinuring na sentro ng karunungan at kaunlaran, samantalang ang Italya, na ouring na progresibong sentrong pangkalakalan ay nagsilbi namang lunsaran o haluan ng mga bagong kaisipan mula sa Silangan at Kanluran, Sa 1spektong politikal, hindi nakapagtatag ang Italya ng isang sentralisadong pamahalaan sa pamumuno ng isang monarko, sa halip ay nahati ito sa iba't ibang republika, nabigyan ng kalayaan ang mga pinuno nito upang magsagawa ng mga kautusan o programa na makatutulong sa mabilis na pagbangon mula sa iba't ibang trahedyang naranasan ng kanilang nasasakupan sa mga nagdaang taon. At panghuli, malaki ang papel na ginampanan ng Simbahang Katoliko sa muling pagbuhay sa mga aspektong pangkaalaman at kultural, hindi lamang dahil sila ang naging tagapag-ingat ng mga sinaunang dokumento, kundi sa pamamagitan din ng mga jaring sining. Muling napaalab ang pananampalataya ng mga tao sa Katolisismo na noong panahong ito g hindi maunawaan dahil ang Bibliya ay nakasulat amang sa wikang Latin, ang wika ng Simbahan. ng mahahalagang eksena o pangyayari sa Bibliya y naipakita sa pamamagitan ng mga likhang sining hakaadorno sa iba't ibang simbahan sa Europa. Ang mga Santo Papa ay naging masigasig na patron o tagapagtaguyod ng mga sining na may temang ukol sa relihiyon. Ang mga larawan ay hindi lamang nagbigay ng kaalaman sa mga mananampalataya kundi naging puntahan ng mga peregrino o banal na paglalakbay s sa mga simbahang Medyibal.
Ang Pamilyang Medici ng Florence Isa sa pinakamaimpluwensiyang tagapagtaguyod ng proyekto sa muling pagpukaw sa kultura ay ang pamilyang Medici na kilala dahil sa mga itinayo ang bangko sa Florence at iba't ibang uri ng egosyong pinasukan nila gaya ng mga industriya a sa balahibo ng tupa o wool at pagmimina. Ang lanilang kakayahang pinansiyal ay naging susi rin sa kanilang pagkakaroon ng kapangyarihang politikal. Halimbawa nito si Cosimo de' Medici na namuno
sa Florence noong 1434 at maging ang kanyang mga kaanak ay nagkaroon din ng kanya-kanyang posisyon kaya itinuring silang mga "walang koronang" tagapamuno sa Italya sa loob ng mahabang panahon. Ang apo ni Cosimo na si Lorenzo ay isang mahusay na politiko, makata, pintor, at pilosopo kung kaya't nakilala sa tawag na "the Magnificent" o"ang Kagila-gilalas Siya ay isa lamang sa marami pang Florentine na naging mahusay sa iba't ibang larangan at ibinilang sa mga angkop kilalaning "lalaking Renaissance." Ang Lungsod ng Florence ay maaaring ihambing sa Siyudad ng Athens sa Gresya dahil pinagpala ang lugar na ito ng maraming talento na naging mapanuri at mapangahas sa walang pagod na pagtuklas sa kanilang iba't ibang kakayahan sa maraming disiplina at pinanday ang bawat isa upang maituring silang mahusay sa anumang aspekto ng buhay na nais pasukin. Si Lorenzo ang naging ama" sa paghubog ng iba't ibang talento at ang hardin ng mga Medici ang naging unang lugar kung saan naipakita ang mga likhang sining ng mga lalaking Renaissance na hinangaan hindi lamang sa buong Italya kundi maging sa iba't ibang panig ng Europa.
Mula sa Iskolastisismo tungo sa Humanismo: Bagong Pananaw noong Panahong Renasimyento Ang diwang Medyibal pa rin ang niyayakap ng karamihan ng mga tao sa Italya noong mga unang taon ng Panahong Renasimyento. Binigyan nila ng pagpapahalaga ang naging kontribusyon ng mga monasteryo at ng iba pang simbahan sa pag-iingat at pagpreserba ng mga sinaunang tradisyong Europeo. Ang manuskrito ng mga gawa nina Aristotle sa pilosopiya, Euclid sa matematika, Ptolemy sa astronomiya, at mga iskolar na Muslim ang nagbigay ng panimulang inspirasyon sa mga tao noong Renasimyento sa Italya upang ipagpatuloy at pagtibayin ang mga tagumpay ng kanilang mga ninuno. Subalit ang mga dati nilang mithiin at priyoridad na magkaroon ng buhay na walang hanggan sa langit na itinuro ng Simbahan ay unti-unting napalitan ng diwa ng indibidwalismo at pagbibigay-halaga sa kasalukuyang buhay na tinatamasa ng mga tao sa mundo. Isang pilosopong Italyano, si Marsilio Ficino ang sumulat na: "Anong panahong kaluwa-luwalhati upang mabuhay!" (What a glorious time to be alive!)" na nangangahulugang ang mga tao ay may diwang puno ng pag-asa kaya nahihikayat silang matuto at bigyang pagpapahalaga ang mga kulturang klasikal at tingnan ito nang may bagong pananaw. Sa halip na gamitin ang mga kaisipang pilosopikal upang ipaliwanag ang kanilang pananampalataya, ang mga tao sa Italya noong panahong Renasimyento ay nanatiling madasaling
Kristiyano sa kabila ng kanilang pagiging humanista o mga taong gumagamit ng karunungan upang lalong mapalawak ang pag-unawa sa kasalukuyang pananatili sa mundo. Samakatwid, pinahahalagahan nila ang humanities, isang asignaturang dating itinuro sa sinaunang Gresya na binubuo ng mga disiplina gaya ng retorika, tula, balarila, kasaysayan, at sining biswal. Gumamit ang mga mag-aaral ng mga tekstong 234 KRONIKA 8-YUNIT III: ANG PAGTATAYO NG MGA ESTADONG NASYON
Griyego at Romano, hindi lamang upang kopyahin o muling basahin ang mga ito kundi para bigyan ng mga bagong perspektiba na aakma sa mga sitwasyong kinakaharap nila nang mga panahong iyon. Bukod dito, kung ang panahong Medyibal ay nagpakilala ng iilang kilalang personalidad sapagkat karaniwang mga institusyon o mga grupong kinabibilangan ng mga kabalyero, matandang konseho, unibersidad, monasteryo, liga, asosasyon o mga samahan ang pinarangalan, ang Panahong Renasimyento ay nagbigay ng pagkilala sa mga tanyag na tao na nasa likod ng bawat kontribusyong karangalan. Tatalakayin sa mga susunod na bahagi ang iba't ibang pangalan sa likod ng pagpapayabong ng diwang renasimyento.
RENASIMYENTONG ITALYANO SA LARANGAN NG PANITIKAN Si Francesco Petrarch (1304-1374) ay isa lamang sa mga unang pilosopong nagpasimula ng kaisipang renasimyento sa larangan ng panitikan. Siya ay tinawag na "Ama ng Humanismo" dahil isinalin niya sa wikang Latin ang mga gawa ng mga historyador at pilosopong Griyego at Romano gaya nina Homer, Virgil, Cicero, Plato, at Aristotle. Naglaan siya ng panahon at malaking halaga ng salapi upang magkaroon ng halos 200 pirasong koleksiyon ng mga manuskrito na inilagak niya sa kanyang silid-aklatan upang mapag- aralan din ng iba pang iskolar ang mga klasikong panitikan. Isinulat din niya ang tulang Sonnets to Laura na naglarawan ng kanyang pag-ibig sa isang babae na nakilala lamang niya sa malayuan at siyang nag-udyok sa ibang makata na palitan ng tipikal na eksena sa pang-araw-araw nilang pamumuhay ang mga dating paksang eklesiyastikal. Bukod sa mga akdang nagturo ng mga bagolng kaisipan, naging popular din ang mga akdang nagtuturo "kung paano gagawin" o mga "how-to na higit na marami ang dahil naisulat ito sa bernakular na wikang Italyano. llan sa mga akdang ito ang The Book of the Courtier ni Baldassare nakabasa Castiglione tungkol sa wastong etika o asal na dapat taglayin ng isang dumadalo i o ng isang courtier. Ayon kay Niccolo Machiavelli korte royal Castiglione, ang isang ideyal na courtier ay dapat na
edukado at maginoong may kaalaman sa iba't ibang dsiplina mula musika, tula, at maging palakasan. Ang mga nakatakdang asal para sa mga kalalakihan Halimbawa, ang isang lalaki ay dapat na mahusay sa palakasan subalit hindi naman masyadong aktibo amantalang ang isang babae naman ay dapat maging mabini ngunit dapat ding maging balanse sa kanyang pakikitungo sa mga kalalakihan: Dapat siyang maging kaaya-aya at mabait, masigla ngunit mahinhin. ("She must be graceful and kind, lively but reserved.") Ang panlabas na kagandahan ay dapat ding bigyan ng importansiya dahil ito ay isang repleksiyon din ng kanyang panloob na kabutihan. Ang isang gabay naman sa pamumuno o administrasyong publiko ay isinulat ni Niccolo Machiavelli na nagsilbing tagapayong politikal ni Lorenzo de Medici. Sa kanyang handbook na pinamagatang The Prince, binigyang- Gin niya ang kaisipang "ang layon ay nagbibigay atarungan sa anumang paraan" ("the end justifies the means") at "higit na mahalaga ang resulta kaysa a pagtupad sa pangako" ("getting results is more important than keeping promises"). Sa ilang bahagi ng kanyang akda, sinabi niyang: at kababaihan ay nagkakaiba sa maraming aspekto.
Ang kontrobersiyal na aklat na ito ay n nakatanggap ng maraming kritisismo, gayundinod ng papuri sa mga mambabasa dahil ibinukas nito ang mata ng sambayanan sa mga realidad at hindi ideyalistikong pananaw sa larangan ng politika. Sinasabi ng iba na gumawa siya ng akdang gawa ng demonyo dahil sa mga sinikal niyang pananaw na hindi tugma sa pamantayan ng nakararami. May ilan namang pinuno na itinuring na Machiavellian dahil sa kanilang paggamit ng panloloko, karahasan, at pagiging tuso upang makamit nila ang kanilang makasariling mithiin. Batay sa mga bahaging iyong nabasa, maaariY6 bang magbanggit ka ng ilang personalidad na nakilala sa kasaysayan na posibleng nagpairal ng patakarang Machiavellian? bjusya usab
Higt mainam ang katakutan kaysa mahalin, kung hindi mo kajang mahalin at katakutan. Doble ang ugad kung mallinlang mo ang mapanlinlang CE is better to be feared than loved, if you cannot be both.""It is double pleasure to deceive the deceiver.) Samakatwid, ang mga armadong Propeta ay nagiging matagumpay, samantalang ang mga Propetang walang armas ay madaling nagagapi. (Hence it comes about that all armed Prophets have been victorious, and all unarmed Prophets have been destroyed. ) ang mga prinsipeng mas maraming nagawa yoong mga hindi tumupad sa kanilang binitiwang Pangako subalit may mahusay na kakayahang manipulahin ang kaisipan ng mga tao Sthose princes have accomplished most who paid lttle heed to keeping their promises, but who knew Ow craftily to manipulate the minds of men."). - Machiavelli, "The Prince
Okay then...
What I'm going to tell you may sound kind of creepy, and maybe even a little "strange"
WHAT if you could simply push "Play" to listen to a short, "musical tone"...
And miraculously bring MORE MONEY into your life??
I'm talking about hundreds... even thousands of dollars!!!
Do you think it's too EASY?? Think something like this is not for real???
Well then, I've got news for you..
Many times the largest miracles life has to offer are also the EASIEST!!!
In fact, I will provide you with PROOF by letting you listen to a real-life "magical abundance tone" I've synthesized...
You simply push "Play" and you will start having more money come into your life.. starting pretty much right away..
TAP here to enjoy the magical "Miracle Money Tone" - it's my gift to you!!!
Post a Comment